minuto bago ka magsimulang mag-record.
• Nahaharangan ng kulay ng balat at mga tattoo ang liwanag, at nakakahadlang
ang mga ito sa pagkuha ng mga maaasahang reading mula sa optical sensor.
• Ang optical sensor ay maaaring hindi magbigay ng tumpak na pagbabasa ng
tibok ng puso para sa mga aktibidad sa paglangoy at freediving.
• Para sa higit na katumpakan at mas mabibilis na pagtugon sa mga pagbabago sa
bilis ng tibok ng puso mo, inirerekomenda naming gumamit ka ng compatible na
sensor ng bilis ng tibok ng puso sa dibdib, gaya ng Suunto Smart Sensor.
BABALA: Maaaring hindi tumpak ang tampok na optical na pagsukat ng
tibok ng puso para sa bawat gumagamit sa bawat aktibidad. Puwede ring
maapektuhan ng natatanging anatomiya at kulay ng balat ng isang indibidwal
ang pagsukat ng kanyang tibok ng puso gamit ang optical sensor. Puwedeng
mas mataas o mas mababa ang aktwal na heart rate mo kaysa sa reading ng
optical sensor.
BABALA: Para lamang sa libangan na paggamit; ang tampok na optical na
pagsukat ng tibok ng puso ay hindi para sa medikal na paggamit.
KALIGTASAN
BABALA: Palaging kumunsulta sa doktor bago magsimula ng pagsasanay
ng isang programa. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na
pagpapagod.
BABALA: Maaring mangyari ang reaksiyong alerhiya o pangangati ng balat
kapag ang mga produkto ay nailapat sa balat., bagama't sumusunod ang mga
produkto namin sa mga pamantayan sa industriya. Kapag nangyari ito, ihinto
kaagad ang paggamit nito at kumonsulta sa doktor.
BABALA: Para sa mga kadahilanang kaligtasan, hindi ka dapat sumisid nang
mag-isa. Sumisid kasama ang isang itinalagang kaibigan.
145