Télécharger Imprimer la page

Suunto 9 PEAK OW194 Mode D'emploi page 103

Publicité

Les langues disponibles
  • FR

Les langues disponibles

  • FRANÇAIS, page 13
IMPORMASYON TUNGKOL SA KALIGTASAN AT
REGULASYON
NAKALAANG PAGGAGAMITAN
Ang SUUNTO 9 PEAK ay isang pang-sports na relo na nagta-track sa iyong
galaw at iba pang sukatan, gaya ng bilis ng tibok ng puso at mga calorie.
Ang SUUNTO 9 PEAK ay para lang sa panlibangang paggamit at hindi para
sa anumang medikal na layunin.
PAGSUKAT NG TIBOK NG PUSO GAMIT ANG OPTICAL SENSOR
Ang pagsukat ng tibok ng puso gamit ang optical sensor mula sa pulso ay
isang madali at kumbinyenteng paraan para ma-track ang bilis ng tibok ng
iyong puso. Maaaring makaapekto sa mga resulta para sa pagsukat ng bilis
ng tibok ng puso ang mga sumusunod na salik:
• Dapat isuot ang relo nang direktang nakalapat sa iyong balat. Wala
dapat anumang kasuotan, gaano man kanipis, sa pagitan ng sensor at
ng iyong balat.
• Maaaring kailanganing isuot ang relo sa iyong braso nang mas mataas
kaysa sa kung saan karaniwang isinusuot ang mga relo. Binabasa ng
sensor ang daloy ng dugo sa pamamagitan ng tissue. Kung mas marami
itong mababasang tissue, mas maganda.
• Maaaring mabago ang katumpakan ng mga reading ng sensor dahil sa
mga paggalaw ng braso at pagkilos ng kalamnan, gaya ng paghawak sa
isang tennis racket.
TL
103

Publicité

loading