sukatan, gaya ng bilis ng tibok ng puso at mga calorie. Magagamit mo ang iyong aparato bilang opsyonal
na kagamitan sa pagsisid habang nakalubog sa tubig hanggang sa lalim na 10 metro. Hindi isang dive
computer o isang standalone na produkto ang aparatong ito para sa pagsukat ng anumang sertipikadong
aktibidad sa scuba diving. Ang Suunto Race ay para lang sa panlibangang paggamit at hindi para sa
anumang uri ng layuning medikal.
OPTIKAL NA BILIS NG TIBOK NG PUSO
Isang madali at kumbeniyenteng paraan ang pagsukat sa optikal na bilis ng tibok ng puso mula sa pulso
upang subaybayan ang bilis ng tibok ng iyong puso. Maaaring makaapekto sa mga resulta ng pagsukat ng
bilis ng tibok ng puso ang mga sumusunod:
• Dapat isuot ang relo nang direktang nakalapat sa iyong balat. Dapat na walang tela, gaano man
kanipis, sa pagitan ng sensor at ng iyong balat.
• Maaaring kailanganing isuot ang relo sa iyong braso nang mas mataas kaysa sa kung saan karaniwang
isinusuot ang mga relo. Binabasa ng sensor ang daloy ng dugo sa tisyu. Kung mas marami itong
mababasang tisyu, mas maganda.
• Maaaring mabago ng mga paggalaw ng braso at pagkilos ng kalamnan, gaya ng paghawak sa isang
raketa ng tenis, ang katumpakan ng mga pagbasa ng sensor.
• Kapag mabagal ang tibok ng iyong puso, puwedeng hindi maging stable ang mga pagbasa ng sensor.
Makakatulong ang pag-eehersisyo sa loob ng ilang minuto bago ka magsimulang mag-rekord.
• Nahaharangan ng kulay ng balat at mga tattoo ang liwanag, at nakakahadlang ang mga ito sa pagkuha
ng mga maaasahang pagbasa mula sa optikal na sensor.
• Ang optikal na sensor ay maaaring hindi magbigay ng mga tumpak na pagbasa ng tibok ng puso para
sa mga aktibidad sa paglangoy at freediving.
• Para sa higit pang katumpakan at mas mabibilis na pagtugon sa mga pagbabago sa bilis ng tibok ng
iyong puso, inirerekomenda naming gumamit ka ng compatible na sensor ng bilis ng tibok ng puso sa
dibdib, gaya ng Suunto Smart Sensor.
BABALA: Maaaring hindi maging tumpak ang feature na optikal na pagsukat ng tibok ng puso para sa
bawat taong gumagamit sa bawat aktibidad. Maaari ring maapektuhan ng natatanging anatomiya at kulay
ng balat ng isang indibiduwal ang optikal na tibok ng puso. Puwedeng mas mataas o mas mababa ang
aktuwal na bilis ng tibok ng iyong puso kaysa sa pagbasa ng optikal na sensor.
BABALA: Para lang sa panlibangang paggamit; hindi para sa medikal na paggamit ang feature na
optikal na bilis ng tibok ng puso.
112