ay tugma lamang sa mga bateryang lead-acid na may 12-boltahe. Huwang tangkaing gamitin ang produkto sa ibang uri ng baterya. Ang pagkakarga ng ibang
kemistri sa baterya ay maaaring magresulta ng pinsala, pagkamatay o pinsala sa ari-arian. Tumawag sa tagagawa ng baterya bago tangkaing kargahan ang baterya.
Mga Medikal na Aparato. Huwag kargahan ang mga pacemaker o iba pang mga medikal na aparato. Ang produkto ay maaaring maglabas ng mga electromagnetic
field. Naglalalaman ang produkto ng mga magnetikong piyesa na maaaring makasagabal sa mga pacemaker, defibrillator, o iba pang mga medikal na aparato. Ang
mga electromagnetic field na ito ay maaaring makasagabal sa mga pacemaker o iba pang mga medikal na aparato. Kumonsulta sa iyong doktor bago gamitin kung
mayroon kang anumang medikal na aparato kabilang ang mga pacemaker. Kung may hinala ka na ang produkto ay nakakasagabal sa isag medikal na aparato, itigil
agad ang paggamit ng produkto at kumonsulta sa iyong doktor. Mga Kondisyon ng Medikal. Kung mayroon kang anumang kondisyong medikal na sa tingin mo
ay maaaring maapektuhan ng produkto, kabilang ngunit hindi limitado sa; kumbulsyon, pagkahimatay, tensyon sa mata o sakit ng ulo, kumonsulta sa iyong doktor
bago gamitin ang produkto. Paglilinis. Patayin ang produkto bago subukan ang anumang pagmementena o paglilinis. Linisin at patuyuin agad ang produkto kung
ito ay nalagyan ng likido o anumang klase ng kontaminante. Gumamit ng malambot, walang-himulmol (microfiber) na tela. Iwasan na mamasa ang mga butas. Mga
Sumasabog na Kapaligiran. Sundin ang lahat ng mga tanda at tagubilin. Huwag gamitin ang produkto sa anumang lugar na may kapaligirang posibleng sumabog,
kabilang ang mga gasulinahan o lugar na naglalaman ng kemikal o mga bagay na may maliliit na piraso tulad ng butil, alikabok o metal na pulbura. Mga Aktibidad
na May Malubhang Epekto. Ang produktong ito ay hindi ginagamit kung saan ang pagpalya ng produkto ay maaaring maging sanhi ng pinsala, pagkamatay o
malubhang pinsala sa kapaligiran. Pagsagabal sa Radio Frequency. Ang produkto ay dinisenyo, sinubok at ginawa upang sumunod sa mga regulasyon na
namamahala sa emisyon ng radio frequency. Ang mga naturang emisyon mula sa produkto ay maaaring magbigay ng negatibong epekto sa paggamit ng ibang
elektronikong kagamitan, na nagiging sanhi sa hindi nito paggana. Numero ng Modelo: Genius 2D Ang aparatong ito ay sumusunod sa Part 15 ng mga
panuntunan ng FCC. Ang paggamit ay napapailalim sa sumusunod na dalawang kondisyon: (1) ang aparatong ito ay hindi maaaring maging sanhi ng mapaminsalang
sagabal, at (2) ang aparatong ito ay dapat gumana kahit na may sagabal na natanggap, kabilang ang pagtigil ng operasyon. TANDAAN: Ang kagamitan na ito ay
sinubukan at nakitang sumusunod sa mga limitasyon para sa isang Class A na digital na aparato,alinsunod sa Part 15 ng mga panuntunan ng FCC. Ang mga
limitasyon na ito ay dinisenyo upang magbigay ng makatwirang proteksyon laban sa mapaminsalang sagabal kapag ang kagamitan ay ginagamit sa isang komersyal
na kapaligiran. Ang kagamitang ito ay lumilikha, gumagamit, at kayang magpadaloy ng enerhiya ng radio frequency at, kung hindi naka-kabit at ginagamit alinsunod
sa manwal ng instruksyon, maaari itong maging sanhi ng mapaminsalang sagabal sa mga komunikasyon sa radyo. Ang pagamit ng kagamitang ito sa residensyal
na lugar ay malamang na maging sanhi ng mapaminsalang sagabal kung saan ang gumagamit ay kakailanganing itama ang pagsagabal sa kanyang sariling gastos.