Télécharger Imprimer la page

Noco Genius 2D Guide D'utilisation Et Garantie page 203

Masquer les pouces Voir aussi pour Genius 2D:

Publicité

Les langues disponibles
  • FR

Les langues disponibles

  • FRANÇAIS, page 10
Mahahalagang Babala sa Kaligtasan
Tungkol sa Genius 2D. Ang Genius 2D ay dinisenyo para sa pagkakarga ng mga bateryang may 12V lead-acid, kabilang ang mga Basa (Likidong Solusyon), Gel,
MF (Maintenance-Free), CA (Calcium), EFB (Enhanced Flooded Battery), at AGM (Absorption Glass Mat). Ito ay angkop sa pagkarga sa bateryang may kapasidad nang
hanggang 40 Amp-oras at pagpapapnatili ng lahat ng laki ng baterya. Pagsisimula. Bago gamitin ang charger, basahing mabuti ang mga partikular na payo para
sa pag-iingat at rekomendadong dami ng karga para sa baterya. Tiyakin na alam ang boltahe at kemistri ng baterya sa pamamagitan ng pagbasa sa iyong manwal
bago kargahan. Lokasyon at Pagkakabit. Ang Genius 2D ay dinisenyo upang manatiling direktang konektado sa isang baterya. Iwasang mapunta ang asido ng
baterya sa produkto. Huwag gamitin ang produkto sa isang saradong lugar o isang lugar na kulang sa bentilasyon. Huwag direktang ikabit sa baterya. Huwag ilagay
ang baterya sa ibabaw ng produkto. Ikabit ang charger malapit sa baterya, tiyakin na ang mga kable at charger ay ligtas at malayo sa anumang gumagalaw na mga
bahagi (hal. elise ng bentilador, sinturon, mga kalo). Huwag hayaan na maipit ang mga kable, maputol, mapinsala ng hood o ng iba pang gumagalaw na mga bahagi,
dahil maaaring maging sanhi ng short circuit, na maaaring mag-resulta ng pinsala sa ari-arian, sugat at/o pagkamatay. Personal na Pag-iingat. Gamitin lamang
ang produkto ayon sa dapat paggamitan. May isang taong dapat ang na makakarinig sa iyo o nasa malapit husto upang sumaklolo sa iyo sa oras na may mangyari.
Maglagay ng malinis na tubig at sabon sa malapit kung sakaling magkaroon ng kontaminasyon sa asido ng baterya. Magsuot ng kumpletong proteksyon sa mata at
proteksyong kasuotan habang nagtatrabaho malapit sa baterya. Palaging hugasan ang mga kamay pagkatapos na humawak ng mga baterya at iba pang mga
materyales. Huwag hawakan o magsuot ng anumang mga bagay na metal habang gumagamit ng baterya kasama ang: mga tool, relo o alahas. Kapag ang metal ay
nalaglag sa baterya, maaari itong sumiklab o maglikha ng short circuit na magreresulta sa pagkakuryente, sunog, pagsabog, na maaring magresulta ng pinsala,
pagkamatay o pinsala sa ari-arian. Mga menor de edad. Kung ang produkto ay layunin ng "Mamimili" na gagamitin ng isang menor de edad, ang matandang bibili
ay sang-ayon na magbigay ng mga detalyadong tagubilin at mga babala sa menor de edad bago gamitin. Ang pagkabigong gawin ito ay ang tanging responsibilidad
ng "Mamimili", na sumang-ayon na bayaran ang NOCO para sa anumang di-pinipintong paggamit o maling paggamit ng isang menor de edad. Panganib na
Mabulunan. Maaaring mabulunan ang mga bata sa mga piyesa. Huwag pabayaan ang mga bata na hawakan ang produkto o anumang piyesa. Ang produkto ay
hindi laruan. Paghawak. Gamitin ang produkto nang may pag-iingat. Maaaring masira ang produkto kapag nabunggo. Huwag gamitin ang produktong may sira,
kabilang ngunit hindi limitado sa mga bitak sa kaha, or sirang mga kable. Huwag gamitin ang produkto na may sirang kurdon ng kuryente. Ang halumigmig at mga
likido ay maaaring makapinsala sa produkto. Huwag gamitin ang produkto o anumang mga de-kuryenteng bahagi na malapit sa anumang likido. Itago at gamitin ang
produkto sa mga tuyong lugar. Huwag gamitin ang produkto kung ito ay basa. Kung ang produkto ay nabasa habang ginagamit, alisin ito mula sa baterya at agarang
itigil ang paggamit. Huwag alisin ang produkto sa pamamagitan ng paghila sa mga kable. Mga Modipikasyon. Huwag tangkaing ibahin, baguhin o kumpunihin ang
anumang bahagi ng produkto. Ang pagkalas sa produkto ay maaaring maging sanhi ng pinsala, pagkamatay o pinsala sa ari-arian. Kung ang produkto ay nasira, hindi
gumana o malagyan ng anumang likido, itigil ang paggamit at makipag-ugnayan sa NOCO. Ang anumang pagbabago sa produkto ay magpapawalang bisa sa inyong
warantiya. Mga Piyesa. Ang produktong ito ay aprubado lamang na gamitin sa mga piyesa ng NOCO. Ang NOCO ay hindi mananagot para sa kaligtasan o pinsala
TL
ng gumagamit, kapag gumamit ng mga piyesa na hindi aprubado ng NOCO. Temperatura ng Paggamit. Ang produktong ito ay dinesenyo upang gumana sa mga
temperatura sa pagitan ng -20 ° hanggang +60°C. Huwag gamitin sa labas ng mga naturang temperatura. Huwag kargahan ang nanigas ng baterya. Itigil agad ang
paggamit ng produkto kapag uminit nang husto ang baterya. Pagtatago. Huwag gamitin o itago ang iyong produkto sa mga lugar na may mataas na konsentrasyon
ng alikabok o mga elementong dala ng hangin. Itago ang iyong produkto sa patag; ligtas na patungan upang hindi ito mahulog. Itago ang iyong produkto sa isang
tuyong lokasyon. Ang temperatura ng lugar ng pagtataguan ay -20° hanggang 100°C (katamtamang temperatura sa ilalim ng hood). Pagkatugma. Ang produkto

Publicité

loading