Paggamit ng 6V. [Pindutin nang Matagal sa loob ng 3 segundo]
Nakadisensyo ang 6V charge mode para lang sa mga bateryang 6-volt lead-acid, tulad ng Wet Cell, Gel Cell, Enhanced Flooded, Maintenance-Free at Calcium na
mga baterya. Pindutin nang Matagal sa loob ng tatlong (3) segundo para pumasok sa 6V Charge Mode. Konsultahin ang manufacturer ng baterya bago gamitin ang
mode na ito.
Paggamit ng 12V Lithium.
Nakadisenyo ang 12V Lithium charge mode para lang sa mga bateryang 12-volt lithium-ion, kabilang ang lithium iron phosphate.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY LABIS NA PAG-IINGAT. DAPAT LANG GAMITIN ANG MODE NA ITO SA 12-VOLT LITHIUM NA MGA BATERYA NA
MAY BUILT-IN NA BATTERY MANAGEMENT SYSTEM (BMS). GINAGAWA AT BINUBUO ANG MGA BATERYANG LITHIUM-ION SA IBA'T IBANG PARAAN AT ANG ILANG AY
MAAARING MAYROON O WALANG BATTERY MANAGEMENT SYSTEM (BMS). KONSULTAHIN ANG MANUFACTURER NG LITHIUM BATTERY BAGO ANG PAGCHA-CHARGE
AT MAGTANONG PARA SA INIREREKOMENDANG MGA ANTAS AT BOLTAHE NG PAG-CHARGE. MAAARING HINDI STABLE AT HINDI ANGKOP SA PAGCHA-CHARGE ANG
ILANG LITHIUM-ION BATTERY.
Force Mode [Pindutin nang Matagal sa loob ng 3 segundo]
Binibigyang-daan ng Force mode ang charger na manu-manong magsimula sa pag-charge kapag ang boltahe ng nakakonektang baterya ay masyadong mababa
para matukoy. Kung masyadong mababa ang boltahe ng baterya para matukoy ng charger, pindutin nang matagal ang button na mode sa loob ng 5 segundo
para paganahin ang Force Mode, pagkatapos ay piliin ang angkop na mode. Magpa-flash ang lahat ng available na mode. Kapag may napili nang charge mode,
magpapalitan ang Charge Mode LED at Charge LED, na nagpapahiwatig na aktibo ang Force Mode. Pagkatapos ng limang (5) minuto, babalik ang charger sa normal
na operasyon ng pag-charge at ia-activate muli ang pagtukoy sa mababang boltahe.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY LABIS NA PAG-IINGAT. DINI-DSABLE NG FORCE MODE ANG MGA SAFETY FEATURE AT MAY LIVE POWER SA MGA
CONNECTOR. TIYAKING GINAWA ANG LAHAT NG KONEKSYON BAGO PUMASOK SA FORCE MODE, AT HUWAG HAWAKAN ANG MGA KONEKSYON NANG SABAY. MAY
PANGANIB NG PAGKISLAP, SUNOG, PAGSABOG, PINSALA SA ARI-ARIAN, PINSALA SA KATAWAN, AT PAGKAMATAY.
Pagkokonekta ng Baterya.
Huwag ikonekta ang AC power plug hanggang sa magawa ang lahat ng iba pang mga koneksyon. Tukuyin ang tamang polaridad ng mga terminal ng baterya sa
baterya. Huwag gumawa ng anumang koneksyon sa karburador, linya ng gasulina, o mga piyesang manipis at, at gawa sa sheet metal. Ang mga tagubilin sa ibaba
ay para sa isang negatibong ground system (pinakakaraniwan). Kung ang iyong sasakyan ay isang positibong ground system (napakadalang), sundin ang tagubilin sa
ibaba sa baliktad na pagkakasunod-sunod.
1.) Ikonekta ang positibong (pula) eyelet terminal na konektor sa positibong (POS,P,+) terminal ng baterya.
TL
2.) Ikonekta ang negatibong (itim) eyelet terminal na konektor sa negatibong (NEG,N,-) terminal ng baterya.
3.) Ikonekta ang charger ng baterya sa isang angkop na outlet ng kuryente. Huwag harapin ang baterya kapag ginagawa ang koneksyong ito.
4.) Kapag ididiskonekta, diskonektahin sa pabaligtad na paraan, unang alisin ang negative (o positive muna para sa mga positive ground system).