Paggamit ng 6V. [Pindutin nang Matagal sa loob ng 3 segundo]
Nakadisensyo ang 6V charge mode para lang sa mga bateryang 6-volt lead-acid, tulad ng Wet Cell, Gel Cell, Enhanced Flooded, Maintenance-Free at Calcium na mga baterya.
Pindutin nang Matagal sa loob ng tatlong (3) segundo para pumasok sa 6V Charge Mode. Konsultahin ang manufacturer ng baterya bago gamitin ang mode na ito.
Paggamit ng 12V Lithium.
Nakadisenyo ang 12V Lithium charge mode para lang sa mga bateryang 12-volt lithium-ion, kabilang ang lithium iron phosphate.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY LABIS NA PAG-IINGAT. DAPAT LANG GAMITIN ANG MODE NA ITO SA 12-VOLT LITHIUM NA MGA BATERYA NA MAY BUILT-IN
NA BATTERY MANAGEMENT SYSTEM (BMS). GINAGAWA AT BINUBUO ANG MGA BATERYANG LITHIUM-ION SA IBA'T IBANG PARAAN AT ANG ILANG AY MAAARING MAYROON
O WALANG BATTERY MANAGEMENT SYSTEM (BMS). KONSULTAHIN ANG MANUFACTURER NG LITHIUM BATTERY BAGO ANG PAGCHA-CHARGE AT MAGTANONG PARA SA
INIREREKOMENDANG MGA ANTAS AT BOLTAHE NG PAG-CHARGE. MAAARING HINDI STABLE AT HINDI ANGKOP SA PAGCHA-CHARGE ANG ILANG LITHIUM-ION BATTERY.
Force Mode. [Pindutin nang Matagal sa loob ng 3 segundo]
Binibigyang-daan ng Force mode ang charger na manu-manong magsimula sa pag-charge kapag ang boltahe ng nakakonektang baterya ay masyadong mababa para matukoy.
Kung masyadong mababa ang boltahe ng baterya para matukoy ng charger, pindutin nang matagal ang button na mode sa loob ng 5 segundo para paganahin ang Force Mode,
pagkatapos ay piliin ang angkop na mode. Magpa-flash ang lahat ng available na mode. Kapag may napili nang charge mode, magpapalitan ang Charge Mode LED at Charge LED,
na nagpapahiwatig na aktibo ang Force Mode. Pagkatapos ng limang (5) minuto, babalik ang charger sa normal na operasyon ng pag-charge at ia-activate muli ang pagtukoy sa
mababang boltahe.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY LABIS NA PAG-IINGAT. DINI-DSABLE NG FORCE MODE ANG MGA SAFETY FEATURE AT MAY LIVE POWER SA MGA CONNECTOR.
TIYAKING GINAWA ANG LAHAT NG KONEKSYON BAGO PUMASOK SA FORCE MODE, AT HUWAG HAWAKAN ANG MGA KONEKSYON NANG SABAY. MAY PANGANIB NG PAGKISLAP,
SUNOG, PAGSABOG, PINSALA SA ARI-ARIAN, PINSALA SA KATAWAN, AT PAGKAMATAY.
Paggamit ng 12V Repair. [Mula sa Standby Pindutin at Pigilan Nang 3 Segundo Gamit Ang Mga Clamp Na Nakakonekta sa Baterya]
Ang 12V Repair ay isang advanced na recovery mode ng baterya para sa pag-aayos at pag-iimbak ng luma, hindi ginagamit, may damage, stratified o sulfated na mga baterya. Hindi
lahat ng baterya ay maaaring i-recover. Madalas na nasisira ang mga baterya kung itinabi nang may mababang charge at/o hindi nagkaroon ng pagkakataong ma-full charge. Ang
mga pinakakaraniwang problema sa baterya ay ang sulfation at stratification ng baterya. Ang sulfation at stratification ng baterya ay parehong artipisyal na magtataas sa open circuit
voltage ng baterya, na nagsasanhi sa baterya na magmukhang fully charged, habang nagbibigay ng mababang kapasidad. Gamitin ang 12V Repair sa pagsubok na maayos ang mga
problemang ito. Para sa mga piankamahusay na resulta, idaan ang 12-volt na baterya sa buong full charge cycle, nang nafu-full charge ang baterya, bago gamitin ang mode na ito.
Maaaring umabot ang 12V Repair ng hanggang apat (4) na oras para matapos ang proseso ng pag-recover at babalik sa Standby kapag natapos.
BABALA. GAMITIN ANG MODE NA ITO NANG MAY PAG-IINGAT. PARA LANG SA 12-VOLT LEAD-ACID NA MGA BATERYA ANG MODE NA ITO. GUMAGAMIT ANG MODE NA ITO NG
MATAAS NA BOLTAHE SA PAGCHA-CHARGE AT MAAARING MAGSANHI NG PAGKAWALA NG TUBIG SA MGA BATERYANG WET (FLOODED) CELL. MALAMAN NA ANG ILANG BATERYA
AT ELECTRONIKO AY MAAARING SENSITIBO SA MGA MATATAAS NG BOLTAHE NG PAGCHA-CHARGE. UPANG MABAWASAN ANG PANGANIB SA MGA ELEKTRONIKO, IDISKONEKTA ANG
BATERYA BAGO GAMITIN ANG MODE NA ITO.