Télécharger Imprimer la page

natus Echo-Screen III Mode D'emploi page 151

Masquer les pouces Voir aussi pour Echo-Screen III:

Publicité

Pag-unawa sa Babala at Mag-ingat na mga Pahayag:
BABALA
Tumutukoy sa mapanganib na sitwasyon na maaaring magresulta sa kamatayan o matinding
pinsala kapag hindi iniwasan.
MAG-INGAT
Tumutukoy sa mapanganib na sitwasyon na maaaring magresulta sa minor o katamtamang
pinsala o pagkapinsala ng materyal kapag hindi iniwasan.
Mga Babala at Pag-iingat:
BABALA
Huwag gagamitin ang Echo-Screen III device para magsuri o ikabit sa isang pasyente habang
naka-dock ito sa daungan o nakasaksak sa panlabas na kuryente.
Mag-ingat na maiwasang tumulo sa mga contact ang sobrang alkohol o masabong tubig
papunta sa loob ng daungan. Huwag ilublob ang device sa tubig o iba pang solusyong
panglinis. Ang kabiguang sumunod sa tagubiling ito ay maaaring makasira sa device o
daungan, o magresulta sa pag-short ng kuryente ng baterya, pagkasunog, o makuryente.
MAG-INGAT
Dapat panatilihin ang daungan sa labas ng kapaligiran ng pasyente. Inirerekomenda na
panatilihin mong malapit ang daungan sa computer kung saan mo pinamamahalaan at
tinitingnan ang data ng iyong pagsuri.
Kapag nililinis ang device at daungan, ingatang maiwasan ang mga metal na electronikong
pagkabit, tulad ng mga pin at mga pangkontak sa pagitan ng daungan at ng device. Maaaring
maging sanhi ng pagkaagnas ng metal ang mga solusyong panglinis na maaaring makaantala
sa performance ng device.
Kung hindi gagamitin sa mahabang panahon ang Echo-Screen III screener at daungan, alisin
sa pagkakasaksak ang kurdon ng AC power mula sa outlet at alisin ang mga baterya mula sa
screener at daungan.
Mga Pangkapaligiran na Espesipikasyon:
Mga Kondisyon ng Pagpapatakbo:
Temperatura: 5°C hanggang 40°C (41°F hanggang 104°F)
Nauugnay na Kahalumigmigan: 5% hanggang 90%, non-condensing
Presyon ng Atmospera: 230 hPa hanggang 1060 hPa
pahina 3 ng 7

Publicité

loading

Ce manuel est également adapté pour:

011010