Ang power supply na kasama ng daungan ay puwedeng isaksak sa daungan o isaksak direkta sa Echo-
Screen III Pro device para ma-charge ang device nang malayuan.
Power LED
ATA transducer
test fixtures
MAHALAGA! Dapat panatilihin ang daungan sa labas ng kapaligiran ng pasyente. Inirerekomenda na
panatilihin mong malapit ang daungan sa computer kung saan mo tinitingnan at pinamamahalaan ang
data ng iyong pagsuri.
Mga Tagubilin sa Paglilinis:
Dapat regular na linisin ang mga Echo-Screen III device at mga bahagi nito, nang tulad ng mga
sumusunod:
•
Araw-araw na magsagawa ng banayad na paglilinis sa daungan
Kung kinakailangan para alisin ang namuong dumi, linising mabuti ang daungan.
•
Banayad na Paglilinis sa Daungan:
1. Alisin ang reserbang baterya mula sa daungan, at alisin sa pagkakasaksak ang lahat ng cable, pati
na ang USB at mga power cable.
MAHALAGA! Kapag inaalis sa pagkakasaksak ang mga cable, hawakan ang connector o plug. Huwag
hilahin ang cable.
2. Gumamit ng prepackaged na alcohol wipe o isang mamasa-masang tela na walang hibla-hibla (hindi
basa) na may 70% isopropyl alcohol upang punasan ang plastik at gomang pang-ibabaw ng
daungan. Gumamit ng swab upang maabot ang maliliit na bahagi.
3. Hayaang matuyo nang lubusan ang daungan.
4. Muling ikabit ang baterya at ikabit ang power at USB cable.
Para sa masusing paglilinis ng daungan, alisin sa pagkakasaksak ang lahat ng cable, at alisin ang
reserbang baterya. Gumamit ng mamasa-masang (hindi basa) tela na walang hibla-hibla na may
banayad na sabon, tulad ng likidong sabong panghugas ng pinggan, at tubig na pinalabnaw ayon sa
rekomendasyon ng tagagawa ng sabon upang punasan ang mga plastik at gomang pang-ibabaw ng
daungan. Hayaang matuyo ang daungan at pagkatapos ay sundin ang protokol ng palagiang ginagawang
paglilinis.
Device connection
Spare battery
Spare battery charging
status LED
PCA text
fixtures
pahina 2 ng 7
Power connection
USB micro port