Marshall MODE II Mode D'emploi page 10

Masquer les pouces Voir aussi pour MODE II:
Table des Matières

Publicité

Les langues disponibles
  • FR

Les langues disponibles

  • FRANÇAIS, page 12
018
TAGALOG
PAGSISIMULA
1. Buksan ang case na pang-charge, ilabas ang mga earbud at isuot
ang mga ito sa iyong mga tainga.
2. Piliin ang MODE II mula sa listahan ng Bluetooth
®
sound device.
3. I-download ang Marshall Bluetooth na app at sundin ang in-app
na mga tagubilin upang makumpleto ang setup.
KONTROL NG PAGHIPO
Pindutin ang kaliwa o kanan na earbud upang makontrol ang inyong musika, mga
tawag sa telepono at marami pa.
KALIWANG EARBUD
• 1 pindutin upang mai-toggle ang mode na Transparency on/off
• 2 pinipindot upang paganahin ang likas na pantulong na boses ng inyong telepono
KANANG EARBUD
• 1 pindutin upang mag-play/mag-pause
• 2 pinipindot upang lumaktaw nang pasulong
• 3 pinipindot upang lumaktaw nang paatras
KALIWA O KANANG EARBUD
• 1 pindutin upang tanggapin/tapusin ang isang tawag
• pindutin upang tanggihan ang isang tawag
PAG-CHARGE SA MGA EARBUD
Ibalik ang mga earbud sa case upang mai-charge ang mga ito. Kikislap ang mga LED
ng earbud nang puti habang nagtsa-charge at diretsong puti kapag puno na. Ang mga
earbud ay maaaring ganap na ma-recharge nang 4 na beses mula sa isang case na
ganap na nai-charge.
PAG-CHARGE SA CASE
Gumamit ng isang wireless na charger o isaksak ang case sa isang USB na
pagmumulan ng kuryente upang mai-charge ito. Iilaw ang LED sa harap habang
nagtsa-charge, mula sa pula patungong kulay kahel hanggang berde (0-100%).
1. Ilagay ang charging case nang nakahiga sa wireless na charging pad.
2. Tiyaking umiilaw ang harap na LED upang maipahiwatig na nagtsa-charge ang case.
3. Kapag umilaw na ang LED nang solid na berdeng ilaw, ganap nang na-charge
ang charging case.
MGA PAGSASAAYOS NG AUDIO
Ang Mode II ay mayroong 4 na sukat ng mga tip sa tainga at ang pagkuha ng
pinakamahusay na lapat ay mahalaga sa pagtiyak na matatamasa mo ang
ng iyong
pinakamahusay na karanasan sa audio. Maglaan ng oras upang hanapin ang mga
tip sa tainga na pinakaangkop sa inyong tainga. Ang mga tip sa tainga ay dapat na
magkasya nang mahigpit sa inyong tainga ngunit komportable pa rin. Hindi bihira na
gumamit ng magkaibang laki para sa kaliwa at kanan.
Kapag nakapili ka na ng maayos ang lapat na mga tip sa tainga, i-fine-tune ang
inyong mga EQ setting mula sa Marshall Bluetooth app upang malikha ang pasadyang
tunog sa inyo.
PAGPAPARES NG BAGONG APARATO
Naaalala ng Mode II ang hanggang sa 4 na dati nang naipares na mga aparato at
maaaring awtomatikong muling kumonekta sa mga ito kapag nasa saklaw. Sundin
ang mga tagubilin sa ibaba upang ipares ang Mode II sa isang karagdagang aparato.
1. Ilagay ang inyong mga earbud sa charging case.
2. Pindutin at panatilihing nakapindot ang tansong pindutan nang 2 segundo,
hanggang sa kumislap nang asul ang mga LED.
3. Piliin ang MODE II mula sa listahan ng Bluetooth ng inyong sound device.
PAG-RESET SA MGA EARBUD
Kung ang inyong mga earbud ay nagkakaproblema o hindi tumutugon, magsagawa ng
pag-reset ng hardware:
1. Ilagay ang mga earbud sa case.
2. Pindutin at panatilihing nakapindot ang tansong pindutan para sa pagpapares
nang 10 segundo, hanggang sa kumislap ang mga LED nang 3 beses, upang
i-reset ang mga headphone.
Kung patuloy na umiiral ang problema, magsagawa ng isang factory reset.
Tandaan: Buburahin nito ang lahat ng mga user setting, at kailangang muling i-set
ang mga headphone pagkatapos ng factory reset.
1. Ilagay ang mga earbud sa case.
2. Pindutin at panatilihing nakapindot ang tansong pindutan para sa pagpapares
nang 15 segundo, hanggang sa kumislap ang mga LED nang 10 beses, upang
i-reset ang mga headphone sa factory settings.
019

Publicité

Table des Matières
loading

Table des Matières